Nilinaw ng Kapamilya actress at bida sa seryeng "Love in 40 Days" na si Loisa Andalio na wala siyang pina-"Salamat po, Dok" sa kaniyang katawan, taliwas sa mga kumakalat na komento at birada sa kaniya ng mga netizen.

Hindi na umano nakapagtimpi ang aktres sa mga nababasa niya, kaya minabuti na niyang magsalita tungkol dito. Ni katiting na porsyento umano ay wala siyang ipinaayos sa kaniyang katawan. Sa kabilang banda, hindi rin naman siya "against" sa mga taong sumasailalim sa enhancement.

"Ang dami ko po nababasang comment, at hindi rin rin ako mahilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin na wala po akong retoke kahit .1% at wala rin po akong balak 😊," ayon sa social media post ni Loisa, Agosto 20.

"Hindi rin po ako against sa mga nagpa-enhance… your body, your rules 😉💖."

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

"Ayun lang po," dagdag pa ni Loisa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagpatotoong "Purong natural walang halong kemikal" ang ganda ni Loisa, na matagal nang nakasubaybay sa kaniya simula pa noong naging teen housemate siya sa Pinoy Big Brother (PBB).

"Loisa Andalio yun ang nagustuhan ko sa'yo kaya idol na idol kita. Purong natural walang halong chemical. Napakasimple pero ang lakas ng dating."

"It's obvious na natural beauty at wala kang retoke… sa mga nakasubaybay sa'yo mula PBB alam na alam namin 'yan."

"Been supporting and following Loisa since PBB, isa sa nabaliw sa Loishua before, kaya no doubt super sure na walang nagbago sa features niya."