Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang showbiz vlog na "Showbiz Update" ngayong Agosto 21 ang umano'y bali-balitang nagkakaproblema na ang relasyon ng mag-jowang sina Gerald Anderson at Julia Barretto, gayundin ang tsikang nabuntis ng Kapamilya actor ang kaniyang bagong leading lady sa pelikula na si Kylie Padilla, habang sila ay nasa Switzerland at nagsho-shooting.

Nagsimula umano ang tsika dito dahil sa blind item ng isang "online Marites" kung saan napansing burado na raw ang mga litrato ni Gerald sa IG ni Julia.

"Check n'yo po IG ni Well-raised dawtah. Halos wala na mga pic nila ni GA. 1 pic and 1 video na lang ang natira," saad ng naturang netizen.

Tinawag pa nito ang atensyon ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Kalat na rin ang isyung ito sa mga streaming social media platforms gaya ng YouTube at TikTok.

"Ito na ba ang pahiwatig na wala na sila?" sey naman ni Ogie Diaz. At ang nakakaloka pa raw, sa mga naglalabasang balita sa YouTube channel ay idinadawit naman ngayon ang bagong katambal ni Gerald na si Kapuso actress Kylie Padilla, kesyo umamin na raw si Gerald na sila na.

Pero ang mas nakakaloka, lumabas pa ang isyung nabuntis ni Gerald si Kylie habang nasa ibang bansa sila para sa shooting ng kanilang pelikula.

Para kay Ogie, hindi raw kapani-paniwala ang tsikang ito lalo't hindi naman lehitimo ang mga nagpapakalat ng "pekeng balita" fake news na ito.

Sa puntong ito ay nagbigay pa si Ogie ng tip kung paano malalamang kapani-paniwala ang mga balitang lumalabas at napapanood sa YouTube, lalo na kung ang paksa ay tungkol sa showbiz. Kapag naka-turn off daw ang comment section, nangangahulugan daw na hindi lehitimo ang naturang nagbabalita dahil umiiwas itong ma-call out sila.

Pinuri naman ni Ogie ang mga netizen na hindi kaagad nagpapaniwala sa mga napapanood nila.

"Dapat talaga nakikita yung mukha ng nagbabasa at hindi voice over lang," pahayag pa ng kolumnista-talent manager.

Sa isyu namang nagkakalabuan na sina Gerald at JUlia, sinabi ni Mama Ogs na hintayin na lamang ng lahat ang kumpirmasyon mula mismo sa dalawa. Feeling din ni Ogie, "promo" lamang ang isyung ikinakapit kina Gerald at Kylie.

"So sasakay ba tayo ro'n?" pahayag ni Ogie sa mga netizen.

Naungkat naman ni Tita Jegs ang naging istorya naman kung paano nagkadevelopan sina Gerald at Julia sa isa't isa, sa kasagsagan ng kanilang shooting ng pelikulang "Between Maybes" habang sila ay nasa Japan.

Si Kylie naman, bagama't hindi pa annulled sa kasal nila ni Aljur Abrenica, ay wala pang napababalitang bagong karelasyon o idine-date.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sian Gerald, Julia, at Kylie tungkol sa isyung ito.