Pasado kay Asia’s Songbird at isa sa mga naunang “Darna” na si Regine Velasquez sa pag-transform na sa wakas ni Jane de Leon bilang pinakabagong protektor ng bato.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, paghanga lang ang nasambit ni Songbird para sa pak na pak na transformation ng young actress.

Matatandaang nitong Biyernes, Agosto 20, nasilayan na ng fans ang long-awaited na paglipad ni Darna sa pagganap ni Jane.

Si Jane ang ikasiyam na Pinay actress na nagbigay-buhay sa 1951 komiks ni Mars Ravelo.

Noong 2003, gumanap na “Darna” si Regine sa remake ng “Captain Barbell.”