Trending ang Darna transformation ni Jane De Leon sa Friday episode ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" at naging positibo ang pagtanggap dito ng karamihan sa mga manonood, kaya isa sa mga inaabangan ay ang magiging komento rito ni "Queen SawsaweRRa" RR Enriquez.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/lipaddarna-transpormasyon-ni-jane-de-leon-trending-bashers-hinahanap-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/08/20/lipaddarna-transpormasyon-ni-jane-de-leon-trending-bashers-hinahanap-ng-mga-netizen/

Matatandaang hayagang sinabi ni RR na para sa kaniya, walang dating si Jane gumanap bilang Darna.

Matapos nga ang trending na episode ay dumagsa ang mga netizen sa isa sa mga Instagram post ng dating host ng "Wowowee".

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong Agosto 20 ay hindi naman binigo ni RR ang mga nag-aabang sa kaniyang 'pagsawsaw'.

Aniya, napanood niya ang ilang mga video clips at masasabi niyang sexy si Jane pero wala pang sex appeal.

"Agang sawsaw😜 Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng isusulat 😛," panimula ni RR.

"Gravity yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna😅 Dami nag-aabang ng comment ko😂."

"Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na😅

But anyways since some of you wants me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo😅."

"Infairness sexy po siya, pinanood ko din yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating niya but I still didn’t see the sex appeal," ani RR.

Sa kabilang banda, nagbigay siya ng compliment para kay Jane at inihambing pa sa dalawang naunang Darna nina Angel Locsin at Marian Rivera sa GMA Network. Ibang bersyon ng Darna raw ang inihain ngayon ng ABS-CBN.

"I think what I will say next is still a compliment."

"Hindi siya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating niya. Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT."

Ngayon, gets na raw ni RR kung bakit sumugal ang Kapamilya Network kay Jane at sa kaniya ipinagkatiwala ang bato ni Darna, kahit na maituturing pa siyang baguhan upang mabigyan ng isang lead role sa isang malaking proyektong ilang taon na ring napurnada at inabangan.

"Parang gets ko na why she was chosen as Darna."

"Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (Wonder woman in her) Hindi din siya pa-super sexy di ba?

So that’s what I saw with Jane… pinatunayan niya na hindi kailangan maging super pasexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body."

"Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako doon) CHAROT😅

But sa character na nakita ko parang nagets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics… A strong define classy young woman DARNA…"

"One thing I noticed also pina-package sya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you.. Pansinin n'yo inilabas agad Metro Mag because her beauty is not for any sexy magazine… Pang high-class packaging.

Maganda po ang packaging niya so gets ko na po si ABS-CBN."

"So ayun po good congrats Jane you nailed it❤️❤️❤️" papuri ni RR.

May mensahe naman si RR sa mga mabilis na humusga sa kaniya, lalo na sa pagbibigay niya ng kritisismo.

"Yung mga low IQ and mahina ang reading comprehension at hindi marunong umintindi ng honest opinion, constructive criticism sa bashing and hating lang, please mag aral kayo mabuti. Sayang ang tuition fee CHAROT 😜😋."

"PS. Again my sawsaw is not to bash people and not to sugarcoat. I want to give my honest opinion and to #SawsawWithAHeart so bare with me😋."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/rr-enriquez-kinuyog-ng-mga-netizen-matapos-ang-trending-na-darna-transformation-ni-jane-de-leon/">https://balita.net.ph/2022/08/20/rr-enriquez-kinuyog-ng-mga-netizen-matapos-ang-trending-na-darna-transformation-ni-jane-de-leon/