Naganap na nitong Biyernes ng gabi, Agosto 19, ang matagal nang inaabangang transpormasyon ni "Narda" patungong "Darna", na ginagampanan ng Kapamilya actress na si Jane De Leon na umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Napa-wow ang mga netizen kay Jane sa kauna-unahang pagkakataong nasilayan nila ito suot ang iconic costume ni Darna---at ngayon, hinahanap na nila ang bashers na nagsabing "hindi bagay", "walang dating", at "hindi deserving" ang aktres sa kaniyang role.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/lipaddarna-transpormasyon-ni-jane-de-leon-trending-bashers-hinahanap-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/08/20/lipaddarna-transpormasyon-ni-jane-de-leon-trending-bashers-hinahanap-ng-mga-netizen/

Ayon sa karamihan ng mga naging komento ng mga netizen tungkol dito, pinatunayan daw ni Jane ang kaniyang sarili at tila "sinampal" sa mukha ang mga nanlait at nam-bash sa kaniya. Ngayon daw nakikita ng mga netizen ang nakita ng pamunuan ng ABS-CBN kung bakit sa kaniyang ipinagkatiwala ang "bato", na nauna nang naibigay kina Angel Locsin at Liza Soberano.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/23/jane-bilang-darna-wala-raw-dating-give-her-a-chance-naman-sigaw-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/07/23/jane-bilang-darna-wala-raw-dating-give-her-a-chance-naman-sigaw-ng-netizens/

Bukod kay Jane, puring-puri din ng mga netizen ang pagganap bilang "Leonor: Ang Unang Darna" ni Iza Calzado na siyang nanay ni Narda at nagpasa sa kaniya ng responsibilidad.

Napuri din ang mahusay na pag-arte ni Jane bilang Narda at Darna. Napaghiwalay raw ng aktres ang katangian ni Narda kay Darna. Isa pa, ang Narda sa seryeng ito ay isang "empowered" na; may kakayahang tumulong sa iba kahit walang kapangyarihang nagmumula sa mahiwagang bato. Trending din sa social media ang isang eksena kung saan kinompronta niya ang kapatid na si Ding (Zaijan Jaranilla) kung bakit hindi na ito pumapasok sa eskwela.

Dahil dito, inabangan ng mga netizen ang magiging reaksyon ng "SawsaweRRa Queen" na si RR Enriquez. Isa kasi si RR sa mga nagsabing walang dating si Jane bilang Darna, bilang pagsang-ayon na rin sa naging komento ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, batay na rin sa mga nababasa at sinasabi ng mga netizen na agad na humusga sa kaniyang kapasidad.

Sa kabilang banda, sa kaniyang Facebook post noong Agosto 11 ay pinuri ni RR ang kababaang-lood ni Jane, na maging ito ay hindi alam kung bakit siya ang napisil na gumanap sa iconic role.

Kinuyog ng mga netizen ang Instagram account ni RR at doon nag-sey ng kanilang pagtawag sa atensyon nito.

"Napahiya ka ba RR lakas ng appeal ni Jane, kasi naman kung sino pa yung walang napatunayan sa pag-aartista yun pa yung malakas mang puna eh di ano ka ngayon bagay na bagay kay Jane ang Darna napahiya ka tuloy haha just saying."

"Lakas ng appeal ni Jane ni Darna ahahaha asan ka ngayon."

"Ganda ni Darna pahiya ka."

"Napanood n'yo po si JANE bilang DARNA? Astig po di ba at ang ganda mali akala ng basher."

"PSST. NAPANOOD MO BA SI JANE SA DARNA? PANOORIN MO, MAG-IIBA IHIP NG HANGIN SAYO. PRAMIS."

"Uy RR galing ni darna".

Inaabangan na ng lahat kung ano ang magiging feedback niya sa trending episode ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" lalo na ang Darna transformation ni Jane De Leon.