Mas determinado ngayon ang soon-to-be parent na si Luis Manzano kasunod ng pagbubuntis nila ng asawang si Jessy Mendiola.

Sa isang YouTube vlog, ibinahagi ng celebrity couple ang ilang detalye sa ngayong limang buwan na nilang pagdadalang-tao.

Pag-amin ng dalawa, ilang beses din nilang sinubukang magbuntis matapos ikasal noong Pebrero 2021.

“Dumating na kami sa point na hindi na kami pressured. Kumbaga nag-usap kami na let’s have fun na lang, enjoy,” ani Jessy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hanggang san nang hindi na nila inaasahan ay dumating nga ang pinakamalaking blessing anila sa kanila ng Diyos. Nitong Mayo lang nang malaman ng showbiz couple na nagbunga na nga ang kanilang pagmamahalan.

Ilang pagbabago naman sa katawan ni Jessy ang nararamdaman niyang unti-unti nang nag-aadjust habang lumalaking healthy ang kanilang baby na si “Baby Peanut.”

Para masigurong manatiling healthy ang kanilang supling, isinuko na rin ng aktres ngayon pa lang ang pagkain ng ilang paboritong mga pagkain kabilang ang sushi, sashimi, kimchi bukod sa iba pa.

Aniya, kahit “nakaka-sad” ay “worth-it para sa baby” ang ginagawa niyang adjustments.

Para naman kay Luis, mas ganado siyang magtrabaho ngayon kasunod ng blessing na natanggap ng kanilang pamilya.

“Adjustment lang sa akin yung mindset na gusto ko pang magsipag,” ani Luis.

“Dati grabe ako maglagay ng rest day sa schedule ko,” dagdag ng TV host.

Sa huli, nangako naman ang soon-to-be parents na magiging partners sila sa espesyal na journey.

Ngayon pa lang, may mensahe na rin ang couple para sa kanilang baby number one.

“Mama will always be here for you kahit ano pa yan. Kahit ano pang mangyari. Aalagaan ka namin, babantayan ka naming,” emosyonal na sey ng mom-to-be na si Jessy.

“I won’t be the perfect father. But the thing that will be perfect is my love for you. Ngayon pa lang kineclaim ko na na I will have faults as a father. Because we’re human but I will love Peanut perfectly,” ani Luis.