Dismayado at tila agad na hinusgahan Pinoy Korean drama fans ang “pagod” nang pagganap umano ni Jeric Gonzales bilang si “Nam Do San” sa Pinoy adaptation ng hit K-drama series na “Start-Up.”

Ang sikat na Kdrama series ay isa sa pinakamalaking serye noong 2020 na pinangunahan ng maningning na Korean stars sa pangunguna nina Bae Suzy, Nam Joo-hyuk at Kim Seon-ho.

Sa nauna nang mga ulat, kumpirmado ngang si Jeric ang pantapat kay Nam Joo-hyuk para sa Pinoy edition nito.

Ilang mga larawan naman ng Kapuso actor at ng South Korean superstar ang kumalat online dahilan para muling maipagkumpara ang dalawa ng Pinoy Kdrama fans.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa ilang Kdrama online pages, kapansin-pansing dismayado ang maraming netizens sa napiling aktor.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens ukol kay Jeric.

“Plot twist na hindi naming gusto.”

“Palitan niyo ‘to sinasabi ko na, isa!”

“This is just sad.”

“Bakit??”

“Dosan niyo pagod na!”

“Tigil niyo na ‘yan!”

Ilan sa mga netizen naman ang nagtanggol kay Jeric at sa Kapuso Network na maaari aniyang may twist sa Pinoy adaptation.

“I was confused on the remake,so since Alden played the role of the second lead, sa Philippine adaptation iibahin nila kung sino makakatuluyan ng FL?” tanong ng isang netizen.

“They [are] just trying their best naman po sana wag agad tayo mag-judge kung bakit sila yung napili sa role at ‘di nakuha expectations niyo,” talak ng isa pang netizen.

Nitong Huwebes, ipinasilip na ng GMA ang pinakabagong teaser ng “Start-Up” tampok ang mga karakter ni Bea Alonzo at Alden Richards.

Inanunsyo rin sa teaser na sa Setyembre na mapapanuod ang serye sa Kapuso Network.