Dumalo na sa kanilang ensayo sa Gilas Pilipinas nitong Sabado sina Utah Jazz player Jordan Clarkson at 7'2" center Kai Sotto para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup qualifiers.

Kapwa isinuot ng dalawa ang kanilang Gilas jersey nang dumating sila sa Meralco Gym sa Pasig City kung saan sinalubong naman sila ng kanilang team mates.

Si Clarkson ay dumating sa bansa nitong Agosto 19 habang si Sotto ay nagbalik-bansa nitong Huwebes.

Nakatakda nang lumipad ang koponan patungong Beirut kung saan makakalaban nila ang Lebanon sa Agosto 25.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pagkatapos ng laban ay uuwi rin sila sa bansa upang harapin naman nang Saudi Arabia sa Agosto 29.

Kasama rin sa nag-practice sina Thirdy at Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Bobby Ray Parks, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Calvin Oftana, Jamie Malonzo, Kevin Alas, at Francis Lopez.