Inamin ni "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" star Joshua Garcia na nagkakapalitan sila ng mensahe at nagkakausap via social media ng Filipino-American singer na si Bella Poarch, kaya hindi malabong magkita sila nang personal kung magtutugma ang kani-kanilang mga iskedyul.

Matatandaang inamin ni Bella na crush niya si Joshua, na umusbong sa mga TikTok videos ng Kapamilya actor, na talaga namang pumapalo kaagad ng million views kapag inuupload na niya, wala pa mang 24 oras ang nakalilipas.

Sa naging panayam kay MJ Felipe, sinabi ni Joshua na na-appreciate naman niya ang paghanga sa kaniya ni Bella.

"Nakakataba lang din ng puso kasi ako, masaya ako syempre, I’m happy na may nagsu-support or humahanga sa’kin, saad ni Joshua.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Natanong naman siya kung posible bang magkaroon din siya ng paghanga o crush kay Bella.

"Why not? Kasi ‘yung mga tao hinahangaan siya. Maganda, magaling kumanta. Crush lang naman, lahat naman tayo nagka-crush," sey ni Joshua.

Noong Hulyo raw sana ay magkikita sila subalit hindi kasi natuloy ang kanilang Star Magic tour kaya hindi na rin sila natuloy.

Mensahe ni Joshua, sana raw ay magkita na silang dalawa.

"Sana makita kita. Magpakita ka sa’kin. ‘Di ba? Exciting!" aniya.

Napa-react naman dito ang mga netizen at pinagsabihan nila si Bella na "pumila" naman daw!

Pero kung si Bella nga raw ang magiging bet ni Joshua, tutal naman daw ay nagkakausap na sila, eh di finish na nga!