Suportado ng kapwa kababaihang celebrities ang trending na paglipad ni Jane de Leon bilang pinakabagong “Darna.”

Todo sa pag-cheer kay Jane ang naglalakihang pangalan sa Philippine showbiz kasunod ng aprub na transformation niya nitong Biyernes ng gabi.

Kasunod ng pagbahagi ni Jane ng official poster ng Darna sa kaniyang Instagram, inulan ng pagbati at pagsuporta sa young actress ang kaniyang comment section.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nariyan sina Lovi Poe, Anne Curtis, Alex Gonzaga at bukod sa iba pa na nagpakita ng suporta sa bagong Darna.

“Darna!!” sey ni Lovi sa pasabog na awra ni Jane sa official poster.

“You look so good Jane!!! Go Darna!!” saad naman ni Anne Curtis.

Isang heart, fire at inlove emoji naman ang iniwan nina Aj Raval at beauty queen na si Maureen Wroblewitz para kay Jane.

Dagdag na paghanga ni Emmanuelle Vera, isa ring Pinay pageant queen, “Para kang si Darna sa totoong buhay. Always ready to help everyone ❤️ Congratulations, you deserve this!”

Tila naging imahe ng suporta ng kababaihan para sa kapwa kababaihan ang peg ng comment section ni Jane na aminadong nasaktan noon ng kaniyang bashers na duda sa kakayahan ng aktres bilang bagong magbibigay buhay sa iconic Pinay superhero.

Kasalukuyang nasa mahigit 205,000 ang nakuhang nang likes sa netizens para sa pasabog na poster.

Trending si Jane sa inabangang pilot week ng Darna nitong linggo.