Tila hindi na nga pumila si TikTok superstar Bella Poarch at diretso nang nakausap ang celebrity crush na si Kapamilya actor Joshua Garcia.

Naungkat muli ang online interaction ni Bella at Joshua sa isang ulat ni MJ Felipe kamakailan.

Matatandaan ang diretsang pag-amin ni Filipino-American online star na crush niya ang “Darna” actor.

“She posted me before sa TikTok account niya and nag-comment din ako dun. Nakakataba lang din ng puso. Masaya ako siyempre na may nagsu-support o humahanga sa akin,” reaksyon naman ni Joshua sa walng kiyemeng pag-amin ni Bella kamakailan.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Anang aktor, wala rin siyang nakikitang dahilan para ‘di humanga sa TikTok star.

Pag-amin ng dalawa, ilang buwan na rin silang nagpapalitan ng mensahe online. Sa katunayan, binalak na rin ng dalawa na mag-meet.

“Nagkakausap kami. Before pa ng June at magkikita kami pero hindi natuloy yung Star Magic tour ko. Ta’s parang July yata pupunta siya pero ‘di rin naman natuloy. ‘Di natin alam,” saad lang ni Joshua.

“Ngayon we’re good friends. Ngayon, okay kami, magkaibigan kami,” dagdag ng aktor.

Mukhang malalim naman ang pag-uusap ng dalawa batay sa pag-amin na rin ng aktor.

“Hindi lang hi, hello. Hinanap ko pa mga English ko, pero sabi niya nagta-Tagalog siya,” sey ni Joshua.

Umaasa naman si Joshua na magkikita rin sila ng Fil-Am star.

“Sana makita kita, magpakita ka sa akin,” tila hamon ng aktor kay Bella.

Abril nitong taon nang unang maging laman ng isang pilyang TikTok video ni Bella si Joshua.

Basahin: Bella Poarch, nais ulamin si Joshua Garcia? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid