Kasunod ng mahigit isang buwan at nagpapatuloy na gamutan, at dialysis sa ospital ay wala pang nababawas sa kaniyang health budget si Manay Lolit Solis dahil sa kaniyang generous friends.

Ito ang ibinahagi ng batikang host at showbiz columnist na si Manay Lolit nitong Biyernes sa isang Instagram post.

Pagbabahagi ni Manay, marami na ang umako sa gastusin ng nakatakda niyang kidney transplant operation.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng talent manager kina Sen. Bong Revilla, Enrico Roque, Manny Villar, Lito Atienza, bukod sa iba pa na nag-alok na rin ng tulong sa kaniya ngayong sumasabak sa operasyon at gamutan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anang 75-anyos na si Manay, “I may have done something good in my naughty life to have this kind of love showered into me. Grabe talaga na hindi ko maisip na bibigyan nila ako ng ganitong suporta at pagmamahal.”

Habambuhay aniya siyang magpapasalamat sa natanggap na kabutihan.