Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng unliquidated cash advances nito na nagkakahalaga ng ₱671.473 milyon.
Sa 2021 audit report ng COA na isinapubliko nitong Biyernes, pinagdududahan nito ang balanse ng advances account ng Comelec noong Nobyembre 2021 na umabot sa ₱505.280 milyon dahil sa unliquidated cash advance.
Sa naturang cash advance, ₱178.695 ang naibigay sa mga opisyal at kawani ng ahensya at ₱492.777 naman ang naipamahagi sa mga special disbursing officer.
"A cash advance shall be reported on and liquidated as soon as the purpose for which it was given has been served," giit ng COA.
Nilinaw din ng COA, kahit hindi pa naayos ang naunang cash advance na ₱671.473, nagdagdag pa ang Comelec ng ₱90.5 milyong cash advance kung saan ang ₱437,691 nito ay ibinigay sa commissioners' office at ₱1.565 naman sa mga regional election director.
Dahil dito, inirekomenda ng COA sa Comelec na asikasuhin na ang outstanding cash advance at huwag na munang pasuwelduhin ang mga opisyal at kawani na nabigong i-liquidate ang kanilang cash adv