Hinarang ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang barko habang nagbababa ng 140,000 sakong umano'y puslit na asukal na mula Thailand nitong Huwebes ng hapon.

Sa report na natanggap ni Executive Secretary Vic Rodriguez mula kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nagharap umano ng "recycled" na import documents ang cargo vessel na MV Bangpakaew.

Dahil dito, kaagad na sinamsam ng BOC ang kargamentong aabot sa 7,000 metriko toneladang asukal na katumbas ng 140,000 sako.

Gayunman, iniimbestigahan pa rin ng BOC ang kaso alinsunod sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura, katulad ng asukal.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Matatandaang libu-libong metriko toneladang asukal ang nadiskubre ng BOC sa San Fernando City, Pampanga nitong Miyerkules at ang huli ay sa San Jose del Monte City sa Bulacan nitong Huwebes bilang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na alamin ang tunay na sitwasyon ng suplay ng asukal sa Pilipinas.