Hindi umano aatras ang model-TV host na si Maggie Wilson sa mga asunto sa kaniya ng dating mister na si Victor Consunji, kahit na aminado siyang nakakapagod mentally at emotionally ang mga nangyayari sa kaniya ngayon.

Ibinahagi ito ni Maggie sa kaniyang Instagram story, Huwebes, Agosto 18.

"Hey everyone. I wanted to extend my sincerest gratitude to all of you who have sent me messages of love and support," pasasalamat ni Maggie.

"It’s been an extremely exhausting six weeks on my emotional and mental well-being as further legal cases have been filed against me over the weekend while he was busy #livinghisbestlife that again have no grounds…"

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Naniniwala si Maggie na hindi lamang niya laban ito kundi laban na rin niya para sa kababaihan at kabataang nakaranas ng kaniyang mga pinagdaanan.

"Still, I am fighting and will continue to do so with everything I’ve got for myself and, more importantly, Filipino women and children. Until I am in the ground, six feet under, I will make it my personal mission to pursue these causes for a country I hold so dear to my heart."

Screengrab mula sa IG/Maggie Wilson

Matatandaang kinasuhan ni Victor si Maggie ng "adultery" at ang itinuturo niyang third party nito ay ang modelong si Tim Connor.

Ibinahagi rin ni Maggie ang ginawang pagpapaalis sa kaniya ng mga tauhan ng dating mister sa kaniyang tinutuluyan. na nagbunsod ng pangamba sa kaniya.