Tila may pinasasaringan ang kilalang DJ-news personality na si DJ Chacha hinggil sa kaniyang karanasan sa mga "insurance agent".

Ayon sa tweet ni DJ Chacha, hindi raw niya maintindihan kung bakit siya natatatapat sa mga insurance agent na pagkatapos makuha ang kaniyang bayad, hindi na raw nagpaparamdam sa kaniya, kagaya ng "ghosting" o bigla na lamang pag-alis ng isang "lover" nang hindi nagpapaalam.

"Mga insurance agent na natatapat saken lakas maka-ghosting ha. After mabigay ang bayad parang hindi niyo nako’ kilala. Bat ganoin. 😂😩👎" ani DJ Chacha.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

https://twitter.com/_djchacha/status/1559701933904261122

Tila marami naman sa mga netizen ang naka-relate much sa kaniya.

"Same, DJ Chacha! Kapatid pa naman ng close friend ko tapos after ako ma-approve at magbayad ng 1 year biglang di na ako sinasagot sa mga DMs ko na inquiry. Samantalang noon, kino-convince pa akong kumuha, araw-araw nangangamusta."

"Relate much! Hahaha."

"This is true!!! Once nakabayad ka na ng plan. Hirap hanapin or if mayroon man ang tamad ng mag-explain ng policy."

Samantala, hindi naman tinukoy ni DJ Chacha kung anong insurance company ang kinabibilangan ng tinutukoy niyang agents.