Hindi pa man umano nakaka-move on sa sakit ng pagkawala ng mga kaibigang sina Fanny Serrano at Cherie Gil, binabagabag na naman ngayon si Megastar Sharon Cuneta para sa kalagayan ng kaniyang kaibigang hindi pinangalanan, na nakararanas ng "silent stroke".

Kaya naman, nakiusap siya sa lahat na samahan siya sa pananalangin para sa kaniyang mga kaibigan. "Quota" na umano ang Megastar sa sakit na kaniyang nararamdaman dahil sa sunod-sunod na pamamaalam ng mga taong malalapit sa kaniya.

"Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…" nag-aalalang saad ng Megastar sa kaniyang Facebook post, Agosto 17.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"I just found out that she is in the ICU now because of a 'silent stroke.' Please, please pray with me for her healing… Lord kahit a few more years na lang po idagdag n'yo please sa buhay niya… Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit."

"Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves," pahayag ni Sharon.

Kalakip ng post ang isang pubmat ng healing prayer.

Bukod dito, humingi rin ng panalangin si Shawie para sa kaniyang pamangkin na si "Bam" na may cancer.

"For my niece, 'Bam,' I ask for all your prayers too… She is only 25… and I do not understand why she has cancer…She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too… Maraming salamat po."