Makakalaban ng San Miguel ang TNT Tropang Giga sa PBA Philippine Cup finals.

Ito ay matapos padapain ng Beermen ang Meralco, 100-89, sa 'do-or-die' Game 7 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum nitong Agosto 17 ng gabi.

Kumamada at nakapagtala ng double-double sa Beermen si June Mar Fajardo sa naipong 29 puntos, 14 rebounds, dalawang assists at isang block.

Kabilang din sa nag-ambag sa pagkapanalo ng Beermen sina CJ Perez ng 18 puntos, Marcio Lassiter (16 puntos), Vic Manuel (13), at Jericho Cruz (12 puntos).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman napakinabangan ng Meralco ang 23 puntos ni Cliff Hodge, dagdag pa ang walong rebounds at apat na assists nito.

Ito na ang unang finals appearance ng San Miguel mula nang matalo nila sa 2019 Commissioners Cup ang Tropang Giga.

Magsisimula ang Best-of-7 finals ng San Miguel at TNT sa Araneta Coliseum sa Agosto 21.