Inaasahang ibubuhos na ng San Miguel at Meralco ang kani-kanilang lakas sa Game 7 ng PBA Philippine Cup semifinals nitong Miyerkules ng gabi kung saan ang magwawagi ay makakalaban ng TNT sa finals.

Naipuwersa ng Meralco ang 'do-or-die' Game 7 nang matalo nila ang Beermen sa kanilang Game 6 nitong Agosto 14.

Katulad ng dati, gagamitin ni Beermen coach Leo Austria ang lakas ni June Mar Fajardo, katulong si Chris Ross, Marcio Lassiter, Moala Tautuaa, Jericho Cruz, Vic Manuel at CJ Perez.

Sa panig ni Meralco coach Norman, gagawin ng koponan ang lahat upang makapasok sa finals. Gayunman, aminado ito dadaan muna sila sa "butas ng karayom" upang tuluyang manalo sa Game 7.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Inaasahang ibabalandra ni Black ang pambato na si Aaron Black, Cliff Hodge, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Chris Banchero at Chris Newsome. 

Sa laro ng mga ito nitong Linggo, abante ng 10 ang San Miguel sa fourth quarter at abot-kamay na sana ang panalo.

Gayunman, hindi ito napangalagaan ng Beermen matapos rumatsada ang Meralco sa pangunguna ni Aaron Black hanggang sa makuha ang panalo.