Bet na bet ng netizens ang nag-uumapaw daw na chemistry nina Kylie Verzosa at Marco Gumabao dahilan naman para kuwelyuhan na naman ilan ang nananahimik nang buhay ng ex-boyfriend ng aktres na si Jake Cuenca.

Looking hot ang pagbabalik ng on-screen power couple na sina Kylie at Marco sa ibinahaging mga larawan ng parehong aktres at aktor sa Instagram nitong Martes.

Litaw na litaw sa dalawa ang super fit and sexy na pangangatawan sa mga intimate na larawang kinunan sa isang dalampasigan.

“That’s a wrap for #BabyBoyBabyGirl!!! 😎” mababasa sa Instagram caption ni Marco habang pinasalamatan din ng aktor si Kylie at ang direktor na si JP Laxamana sa kanilang pinakabagong Viva project.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Excited for you to meet Baby Boy and Baby Girl,” sey naman ni Kylie sa hiwalay na Instagram update.

Ikinawili naman ng fans ang malakas na chemistry ng dalawa sa mga larawan pa lang.

“Bagay kayo!!!” saad ng isang follower ni Marcos.

“May chemistry! Pareho pa namang single. Beke nemen!!” hirit ng isa pang netizen.

“Ship! Bagay kayo!!”

“So bagay!!”

“Super bagay ano baaaa!! Kilig!!”

Samantala, hindi naman nakaligtas sa mga intrigerang netizens ang makaladkad sa usapan ang ex-boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca.

“Nasaan si Jake?” pilyong tanong ng isang netizen sa IG post ni Kylie.

“Hilak Jake (Iyak Jake)!” saad naman ng isang follower ni Marco.

“Goodbye Jake Cuenca!”

“Jake Cuenca, shot puno!!”

Noong Abril nang kumpirmahin nina Jake at Kylie ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong relasyon.

Basahin: Jake Cuenca, kinumpirma ang pagtatapos ng kanilang 3 taong relasyon ni Kylie Verzosa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna namang sinabi ni Kylie na ang kaniyang career ang prayoridad niya ngayong siya'y single muli.