Ito ang good news na ibinahagi ni “Queen of Soul” Jaya walong araw matapos matupok ang bahay na tinutulyuan sa Silverdale, Washington sa Amerika.

Sa isang Instagram update Miyerkules, ibinahagi ng singer ang liham na nagkukumpirma sa kanilang aplikasyon na magrenta ng isang tahanan sa Richardson sa Texas.

Nauna nang nanawagan ang singer ng tulong para sa muling pagbangon ng kanilang pamilya sa trahedya.

Basahin: Donation drive para sa pamilya ni Jaya, inilunsad matapos matupok ang bahay sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa fundraiser na inilunsad ng mga kaibigan kamakailan na kasalukuyang nakalikom na ng mahigit $8.4K, abot-abot ang pasasalamat ng singer.

Kasabay ng good news para sa kanilang new home, ibinahagi rin ni Jaya na nakatanggap din ng bagong trabaho ang kaniyang asawang si Gary.

“8 days after our house burned down, my husband Gary received these blessings on his email on Aug. 15! A new home and a new job!!! Again, I don’t know what else to say but thank you Lord!” mababasa sa Instagram update ni Jaya.

Noong Hulyo 2021 nag-migrate si Jaya sa US at pormal na nagpaalam bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa noontime show na “It’s Showtime”.