Dalawang araw matapos muling lumipad sa ere ang “Darna,” tumabo naman sa mahigit pitong milyon ang followers ni Jane De Leon sa Facebook, Miyerkules.

Ito ang ibinalandra ng Kapamilya star sa kaniyang verified Facebook account kalakip ang isang Darna-inspired photo.

“Thank you 7M for your love!!🔥❤️” mababasa sa Facebook caption ng aktres.

Basahin: Joshua Garcia, ‘di jojowain si Jane De Leon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Umulan naman ng pagbati kay Jane mula sa fans para sa panibagong milestone nito.

Nitong Lunes, Agosto 15, inabangan ng maraming Pinoy fans ang pagbabalik-telebisyon ng iconic superhero na si “Darna.”