Nagsuot ng itim na damit na may pahayag ng pagprotesta ang ilang mga estudyante ng College of Law sa West Visayas State University sa Iloilo, sa ginanap na oryentasyon para sa mga mag-aaral, dahil sa balitang magtuturo doon bilang part-timer si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Mababasa sa likod ng mga protest black shirt na suot ng mga estudyante ang hashtag na "#NEVERAGAINTOMARTIALLAW" ayon sa Facebook post ni "Rinj Callanga-Tutisura".

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Sa isa pang post niya, makikita ang sama-samang pagharap ng mga estudyanteng nakasuot ng protest shirt sa Quezon Hall ng kanilang pamantasan. May hashtags itong "#NeverForget #NeverAgain #MarcosNotWelcome #RejectAndResist #LAWbanWVSU #WVSUCOLlective #ForeverQuezonHallNeverMarcosHall"

Tutol ang mga estudyanteng ito na magturo sa naturang state university, lalo na sa college law, ang First Lady ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente ng WVSU, kinumpirma niyang magtuturo ng Criminal Law 1 si Araneta–Marcos sa nasabing state university.

Dagdag pa ni Villaruz na si Araneta-Marcos ay nag-apply bilang part-time faculty sa Juris Doctor program sa pamamagitan ng kanilang regular na proseso — pagsusumite ng kaniyang mga dokumento para sa pagsusuri at pagproseso.

Ayon kay Villaruz, napili ng Unang Ginang na magturo sa WVSU dahil may pamilya at kamag-anak ito na taga-Iloilo, kabilang na ang ina nito at ang Filipino basketball Olympian na si Manuel Araneta Jr.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/07/prof-araneta-marcos-first-lady-kumpirmadong-magtuturo-sa-wvsu/">https://balita.net.ph/2022/08/07/prof-araneta-marcos-first-lady-kumpirmadong-magtuturo-sa-wvsu/