'Pwede ba na ibalik muna sa simula. 'Di pa kasi ako handa'

Muling ginunita ng mga taga-hanga ng yumaong content creator na si Emman Nimedez ang husay at galing nito matapos ilabas nito ang huling kanta nito na pinamagatang "Simula."

Ang music video ay binigyang direksyon ni Titus Cee na kung saan ay tampok rin sina Awi Columna, Kiyo, at Alisson Shore.

"Pwede ba na ibalik muna sa simula. Dami na kasi nag-iba. Pwede na iba na mauna, mag umpisa. 'Di pa kasi ako handa," bahagi ng liriko ng kanta.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Lumagpas na sa 300,000 views ang naturang music video.

Samantala, muli namang sinariwa ng netizens ang husay at galing ni Emman lalo sa pagkanta at paggawa ng mga content na nakakaaliw.

Sa comment section ng music video, ang ilan sa fans ay nagsabing naiyak nang mapanuod ito. Ang iba naman ay hiniling na sana ay buhay pa ang singer at content creator.

Matatandaan na Agosto nakaraang taon ay pumanaw si Emman dahil sa sakit na cancer sa dugo.