Ibinahagi ng isang beauty and wellness center sa Taguig City ang "before and after treatment" ng pagpapa-facial ng "Miss Q&A" Season 1 Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia, sa TikTok.

"Thanks for visiting Chabelitas Wellness and Beauty Center Taguig Juliana Parizcova!" saad sa caption ng TikTok video ng naturang wellness center. May background music pa itong "AMAKABOGERA" ni Maymay Entrata.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ngunit sa halip na purihin ay inulan ng lait ang komedyante dahil tila wala naman daw pinagbago sa mukha nito.

"Fresh na si furbaby. Pwede ko din po i-set ng appointment mga furbabies namin?"

"Parang before and before pa rin, wala namang after!"

"Akala ko ang ganda na nung results nung dulo, tapos biglang nawala yung filter HAHAHA."

"Ganda ng pagkaka-groom. Puwede po mag-inquire kung may anti-rabies din kayo?"

"Kahit anong Facial treatment d kaya remedyohan 'yan, DASAL na lang po talaga and Samahan na ng LIGO."

"SEEESSSS..LIGO AT DASAL 3X A DAY."

"Wellness and beauty kasi nakalagay. Sorry medyo nalito lang…"

Samantala, may mga netizen din naman na nagtanggol kay Juliana.

"Grabe naman kayo kay Juliana!"

"Hanggang ngayon may cancel culture pa rin?"

"Inggit siguro sila kasi baka wala silang pang-facial treatment haha."

"Kaya nga inggit sila bakit hind sila magpa-facial din… 'yang mga mahilig mang-bash kahit ilang treatment pa 'yang ibigay sa inyo di na magbabago haha mas malala pa kayo sa binabash n'yo wala naman naaambag sa tao ibabash pa."

"Grabe talaga mga tao akala mo mga perfect, makapanghusga eh…"

Wala pang tugon o reaksiyon si Juliana o maging ang wellness center tungkol dito.