Isa ang Kapamilya comedian na si Awra Briguela sa mga naispatang dumalo sa naging birthday party ng actress-social media personality na si Donnalyn Bartolome, kaya naman, ipinagtanggol niya ang kaibigan sa bashers na kumukuwestyon ngayon sa naging paraan ng pagdiriwang nito ng kaarawan.

Ayon sa naging panayam ni MJ Marfori kay Awra, nais lamang daw balikan ni Donnalyn ang naging buhay niya noong wala pa siya sa showbiz at "walang-wala" pa. Kaya naman nalulungkot ang komedyante kung bakit minasama ng mga tao ang naging paraan nito ng pagdiriwang ng kaarawan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagay na ipinaliwanag naman ni Donnalyn sa caption ng kaniyang Facebook post.

"THANK YOU FOR MAKING US #1 TRENDING ON ITS FIRST DAY!! Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.. 🥹" saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post, Linggo, Agosto 14. Ang kaniyang eksaktong kaarawan ay noon pang Hulyo 9.

"My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable… pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi."

"Kaya noong umalis ako sa amin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan."

Ito raw ang naisip niyang maging tema ng kaniyang kaarawan dahil nagpapaalala ito sa kaniya noong walang-wala pa siya at nagsisimula pa lamang kumayod.

"So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang-wala pa ako… pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas-butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin."

"Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal sa akin kahit ganito mga trip ko.. kayo na mag-caption each photo, HAHAHAHAHA!!!" aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/kanto-birthday-party-ni-donnalyn-pinakasimple-pinakamasaya-niyang-b-day-celebration/">https://balita.net.ph/2022/08/15/kanto-birthday-party-ni-donnalyn-pinakasimple-pinakamasaya-niyang-b-day-celebration/

Matatandaang umani ng kritisismo ang kaniyang naging baby-themed birthday pictorial na agad din niyang binura. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nasaling sa mga naturang litro, dahil aniya ay wala naman siyang intensiyong masama tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/donnalyn-bartolome-nagpabebe-sa-birthday-pictorial/">https://balita.net.ph/2022/07/10/donnalyn-bartolome-nagpabebe-sa-birthday-pictorial/

At ngayong nagpalit siya ng birthday themed ay umani na naman ito ng puna mula sa mga netizen.

Nilinaw rin ni Awra na hindi si Donnalyn ang nakaisip ng ideya tungkol sa tutong na kanin na ginawang cake. "Trip-trip" lamang aniya ito ng ilang mga kaibigang imbitado sa naturang birthday party.