Nawindang ang Kapuso actress na si Carmina Villaroel nang makita ang maiinit na eksena ng mister na si Zoren Legazpi kay Lianne Valentino, sa kanilang pinag-uusapang afternoon series na "Apoy sa Langit".

Ayon kay Carmina, nauna na niyang ipinaalam kay Zoren na hindi niya panonoorin ang naturang drama-romance series dahil inaasahan na niyang hindi niya kakayanin ang pakikipaglampungan ni Zoren sa ibang babae, kahit pa on-screen lamang ito.

"Alam n'yo, isa 'to sa mga rason kung bakit di ko siya pinapanood, sorry ah. Kasi hindi ko talaga kaya," pag-amin ni Carmina sa online exclusive ng GMA Network.

Wala lang siyang choice dahil nga kailangan niyang ipakita ang reaksiyon niya sa maiinit na eksena mula sa serye.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Sorry talaga, Tatay (Zoren), di ko talagang makayang panoorin ka," dagdag pa ni Carmina.

Kaya nang mapanood na ang mga maaalab na eksena mula sa serye ay walang ginawa si Carmina kundi magsambit ng "Oh my God", "Nakakaloka", habang namumulagat ang mga mata at nakatakip ang bibig ng kamay.

Hindi lamang daw sanay si Mina na makita sa ganoong mga eksena si Zoren, dahil alam niyang konserbatibo ito.

Ngunit huwag mag-alala ang mga tagahanga ng mag-asawa dahil in real life, malaki ang tiwala ni Carmina kay Zoren. Hindi raw marunong magsinungaling ang mister kaya walang magaganap na "outside de kulambo".

Bukod kina Zoen at Lianne, kasama rin sa serye sina Mikee Quintos at Maricel Laxa-Pangilinan.