May paalala si Kapuso trivia master at TV host Kuya Kim Atienza sa mga netizen hinggil sa maayos at responsableng paggamit ng social media, lalo na't talamak na ngayon ang "bashing" at "cancel culture".

Ayaw tantanan ng kaniyang mga basher si Kapuso trivia master-TV host Kuya Kim, ngunit sa halip na "makipagtalakan" ay pasimple kung bumanat at sumagot ang Kapuso TV host.

Masasabing lumala ang bashing kay Kuya Kim simula nang mag-ober da bakod siya at paratangang "walang utang na loob" ng mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/04/kuya-kim-nag-post-na-ng-larawan-na-ang-background-ay-gma-network-center/">https://balita.net.ph/2021/10/04/kuya-kim-nag-post-na-ng-larawan-na-ang-background-ay-gma-network-center/

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hanggang sa lately ay mag-viral ang kaniyang nasabi tungkol sa monkeypox.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-humingi-ng-dispensa-kaugnay-ng-m-to-m-tweet-patungkol-sa-monkeypox/">https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-humingi-ng-dispensa-kaugnay-ng-m-to-m-tweet-patungkol-sa-monkeypox/

Matapos itong humupa, muli na naman siyang nag-trending sa Twitter matapos seryosohin noong una ang pagiging "dean" sa isang satirical school page. Kalaunan, niyakap na rin niya ito at nakipagbiruan na rin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/">https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/

Isang basher ang simpleng binasag niya na nagsabing mag-resign na siya dahil ayaw na siya nitong makita at mapanood sa telebisyon.

"Resign Kuya Kim I don't want to see you on TV anymore," saad ng basher.

Niretweet naman ito ni Kuya Kim at kinomentahan.

"May remote control naman. I don't have to resign, just change channels. Be safe," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/kuya-kim-simpleng-bumanat-sa-basher-pinagre-resign-siya-dahil-ayaw-na-makita-sa-tv/">https://balita.net.ph/2022/08/15/kuya-kim-simpleng-bumanat-sa-basher-pinagre-resign-siya-dahil-ayaw-na-makita-sa-tv/

Bukod dito, isang netizen naman ang tila "nabanas" na kay Kuya Kim dahil sa atensyong naibibigay ng mga tao sa kaniya.

"Who are you to deserve this much attention? Do you matter in Phil problems and solutions?"

"Oh you don't have to mind me. Just ignore my posts or you can block me. Be well," saad ni Kuya Kim.

May sagot naman siya sa isang netizen na nagsabing 'pugad' daw ang Twitter ng mga netizen na mahilig mag-cancel, lalo na ang mga "Kapamilya" at "Pinklawans".

"Kuya Kim sad to say here in Twitter tambayan ng mga solid Kapamilya, Pnklawans, na mahilig mag-cancel, bash as long as opposite ka… This is their echo chamber… No worries casual viewers likes you…"

Pagtutuwid naman ni Kuya Kim, "Twitter can be a beautiful place for everyone regardless of political affiliation or network preference. Love and respect to everyone."

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1558801198047563776

Ngayong Agosto 15 ay may panibagong tweet si Kuya Kim na nagsisilbing paalala sa responsableng paggamit ng social media. Nag-quote siya ng isang bible verse.

"Let us be salt and light in social media. Words can kill but they can also give life!"

"But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus, his Son, purifies us from all sin. 1 John 1:7 NIV," aniya.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1558983106387881984