Ipinagbigay-alam ng dating Hashtags member ng "It's Showtime" na si Nikko Natividad sa kaniyang followers na hindi muna siya makakapag-upload ng mga video sa TikTok matapos niyang ma-ban dito.

Ibinahagi ni Nikko ang screengrab mula sa notification ng TikTok.

"Due to multiple Community Guideline violations, you're temporarily prevented from posting," mula sa TikTok.

"Ilang days po ba yung ganito sa TikTok?" naiiyak na patanong na caption ni Nikko.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Screengrab mula sa IG/Nikko Natividad

Hindi naman tinukoy kung ano ang kaniyang violation sa naturang social media platform, subalit kilala si Nikko sa pagpo-post ng mga "naughty" videos.

Sa katunayan, muli siyang nag-post na naka-blue bikini siya at muli niyang ginawa si Ellise Joson.

"elissejosonn kung hindi rin ako mananalo sa pa sexyhan, SUNTUKAN NA LANG," aniya.

"Hahahahahahahah yung kuyukot talaga para sa akin eh," reaksiyon ni McCoy De Leon, ang kapwa Hashtags member na partner ni Elisse.

"Aba aba," ganting hirit naman ni Elisse.

Kamakailan lamang ay ginaya ni Nikko ang sexy pose ni Elisse habang nakasuot ito ng yellow bikini.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/08/08/nikko-natividad-ginaya-sexy-pose-ni-elisse-joson-ibinida-kung-paano-manlandi-ng-misis/">https://balita.net.ph/2022/08/08/nikko-natividad-ginaya-sexy-pose-ni-elisse-joson-ibinida-kung-paano-manlandi-ng-misis/