Ayaw tantanan ng kaniyang mga basher si Kapuso trivia master-TV host Kuya Kim Atienza!

Gayunman, sa halip na "makipagtalakan" ay pasimple kung bumanat at sumagot ang host ng "TikToClock" sa mga nagsasabing dapat na siyang magbitiw sa kaniyang trabaho.

Masasabing lumala ang bashing kay Kuya Kim simula nang mag-ober da bakod siya at paratangang "walang utang na loob" ng mga netizen, hanggang sa lately ay mag-viral ang kaniyang nasabi tungkol sa monkeypox.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/04/kuya-kim-nag-post-na-ng-larawan-na-ang-background-ay-gma-network-center/">https://balita.net.ph/2021/10/04/kuya-kim-nag-post-na-ng-larawan-na-ang-background-ay-gma-network-center/

Relasyon at Hiwalayan

'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-humingi-ng-dispensa-kaugnay-ng-m-to-m-tweet-patungkol-sa-monkeypox/">https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-humingi-ng-dispensa-kaugnay-ng-m-to-m-tweet-patungkol-sa-monkeypox/

Matapos itong humupa, muli na naman siyang nag-trending sa Twitter matapos seryosohin noong una ang pagiging "dean" sa isang satirical school page. Kalaunan, niyakap na rin niya ito at nakipagbiruan na rin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/">https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/

Isang basher ang simpleng binasag niya na nagsabing mag-resign na siya dahil ayaw na siya nitong makita at mapanood sa telebisyon.

"Resign Kuya Kim I don't want to see you on TV anymore," saad ng basher.

Niretweet naman ito ni Kuya Kim at kinomentahan.

"May remote control naman. I don't have to resign, just change channels. Be safe," aniya.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1558469195909566464

Bukod dito, isang netizen naman ang tila "nabanas" na kay Kuya Kim dahil sa atensyong naibibigay ng mga tao sa kaniya.

"Who are you to deserve this much attention? Do you matter in Phil problems and solutions?"

"Oh you don't have to mind me. Just ignore my posts or you can block me. Be well," saad ni Kuya Kim.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1558797211902754817

Ngayong Agosto 15 ay may panibagong tweet si Kuya Kim na nagsisilbing paalala sa responsableng paggamit ng social media. Nag-quote siya ng isang bible verse.

"Let us be salt and light in social media. Words can kill but they can also give life!"

"But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus, his Son, purifies us from all sin. 1 John 1:7 NIV," aniya.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1558983106387881984