"Kanto Birthday Party" ang naging tema ng 28th birthday celebration ng celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome, na hanggang ngayon ay number 2 trending sa YouTube channel, na umere noong Agosto 11.

"THANK YOU FOR MAKING US #1 TRENDING ON ITS FIRST DAY!! Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.. 🥹" saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post, Linggo, Agosto 14. Ang kaniyang eksaktong kaarawan ay noon pang Hulyo 9.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable… pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi."

"Kaya noong umalis ako sa amin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan."

Ito raw ang naisip niyang maging tema ng kaniyang kaarawan dahil nagpapaalala ito sa kaniya noong walang-wala pa siya at nagsisimula pa lamang kumayod.

"So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang-wala pa ako… pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas-butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin."

"Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal sa akin kahit ganito mga trip ko.. kayo na mag-caption each photo, HAHAHAHAHA!!!" aniya.

Ilan sa mga kaibigang celebrity na namataang dumalo rito sina Jelai Andres, Awra Briguela, Andre Paras, Richard Juan, Mikee Quintos, Paul Salas, at marami pang iba.

Matatandaang umani ng kritisismo ang kaniyang naging baby-themed birthday pictorial na agad din niyang binura. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nasaling sa mga naturang litro, dahil aniya ay wala naman siyang intensiyong masama tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/donnalyn-bartolome-nagpabebe-sa-birthday-pictorial/">https://balita.net.ph/2022/07/10/donnalyn-bartolome-nagpabebe-sa-birthday-pictorial/