Ibinahagi ni 'President' Nadine Lustre sa kaniyang Instagram ang latest video ng kaniyang commercial para sa isang hair conditioner, na nagpa-wow naman sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Katulad ng inaasahan, elegante at fierce ang dating ni Nadine para sa kaniyang endorsement, kahanay ang mga Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

"I like styling my hair but all that has taken a toll on it and caused hair damage," ayon sa caption ni Nadine sa kaniyang Instagram post, Agosto 13.

"With that, I’ve been on a constant search for hair perfection but there’s always something that I have to give up to achieve it.

R' Bonney Gabriel, nagbalandra ng tahong sa NYFW

Luckily, I think I’ve found the ultimate solution."

"Salon perfection, reimagined. Stay tuned."

Umani naman ito ng mga positibong reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ganda so much queen!"

"I love you, President Nadine!"

"Lakas maka-Blackpink comeback teaser!"

"So elegant, chic, and fierce Nadine!"

Nagkomento rin dito ang sikat na YouTuber/social media personality na si Mimiyuuuh kung saan biniro niya si Nadz na para daw itong ininit na ulam sa microwave oven.

"Ms. Nadine para kang iniinit na ulam sa microwave. KIMMMYMYYYYYYY!!!" birong hirit ni Mimiyuuuh.

Natawa naman ang mga netizen sa sinabi ng social media influencer, kabilang na ang award-winning director na si Direk Antoinette Jadaone.

"@mimiyuuuh hahahaha ganda," komento ng direktor.

Samantala, wala pang reaksiyon si Nadine tungkol dito.