DAGUPAN CITY - Dinagsa ng mga residente ang isang eskwelahan sa lungsod matapos mabalitaan ang libreng bigas mula sa gobyerno para sa bawatmagpapabakunalaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon sa pamahalaang lungsod, nag-alok sila ng libreng limang kilong bigas bawat isa sa unang 100 na magpapaturok upang mapaigting pa ang vaccination program ng pamahalaan.

Isinagawa ang pagbabakuna sa Barangay Salisay Elementary School.

Bukod dito, nag-alok pa ang city health office at Department of Health (DOH) ng libreng medical check-up sa mga residente.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Sa pagpapatuloy naman ng PinasLakas nationwide booster vaccine campaign ng siyudad sa Agosto 15, nasa 1,000 na unang magpapaturok ang makikinabang pa sa libreng bigas campaign.