Isa na namang bagong milyonaryo na taga-Quezon ang napabilang sa listahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos manalo ng halos ₱6 milyon sa lotto nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 26-12-20-24-39-41 na may nakalaang premyong ₱5,940,000.00 sa isinagawang 6/42 Lotto draw nitong Agosto 13.

Nabili umano nito ang ticket sa Candelaria, Quezon.

Pinayuhan naman ng PCSO ang nabanggit na mananaya na magtungo na laman sa central office ng ahensya sa Mandaluyong City upang makuha ang panalo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinagdadala rin ito ng dalawang valid identification(ID) card at isama ang winning ticket upang hindi na mahirapang i-claim ang premyo nito.

Gayunman, babawasan ng 20 porsyentong buwis ang premyong matatanggap nito alinsunod na rin saTax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado, dagdag pa ng PCSO.