Ibinahagi ng komedyanteng si Dennis Padilla ang throwback photo ng kaniyang anak na si Claudia Barretto, na kamakailan lamang ay binati niya sa kaarawan nito, subalit hindi umano nakatanggap ng tugon mula rito.

Ngunit napansin ng mga netizen na nang batiin naman siya ng ina na si Marjorie Barretto, tumugon ito at nagsabi pa ng "I love you".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/claudia-barretto-tumugon-sa-b-day-message-ni-marjorie-dedma-naman-kay-dennis/">https://balita.net.ph/2022/07/28/claudia-barretto-tumugon-sa-b-day-message-ni-marjorie-dedma-naman-kay-dennis/

Noong Biyernes, Agosto 12, ay muling "nagbaka-sakali" si Dennis at inupload ang larawan nila ni Claudia noong bagets pa lamang ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Dear Claui… Time flies… Miss you anak," aniya sa caption.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na magbigay ng reaksiyon at komento tungkol dito.

"If you really miss your kids, reach out to them personally, and when they agree to see you, huwag mo silang pinagsisigawan dahil lang you disagree with them. Puro ka papansin sa social media, pinakiusapan ka na nga na huwag sana ganito. Ama ka, you should protect your kids, hindi ganito."

"Hintay sa tamang panahon. Darating ang panahong magiging ok kayo. Dahil baliktarin man ang mundo, ama nila kayo."

Sa kabilang banda, may nagpayo naman sa kaniyang hayaan na muna ang mga anak.

"Walang anak na magtatagumpay pag tinalikuran ang magulang!!! Hayaan mo sila kung hindi ka nila pinapansin."

Bago ito, matatandaang ibinahagi rin ni Dennis sa kaniyang sariling social media account ang litrato ng birthday celebration ng kaibigang aktor na si Cesar Montano noong Agosto 4, kung saan, makikitang kompleto ang kaniyang mga anak, magmula kay Diego Loyzaga na anak nila ni Teresa Loyzaga, hanggang sa mga dalaga na niyang anak sa estranged wife na si Sunshine Cruz.

"Happiiii b-day Pareng Buboy!! Congrats!! Praying na sana sa b-day ko…," saad ni Dennis sa kaniyang caption, Naka-tag dito ang mga kaibigang celebrities na sina Randy Santiago, Janno Gibbs, at kay Cesar.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/07/dennis-padilla-wish-na-sana-kompleto-ang-pamilya-niya-sa-b-day-gaya-kay-cesar-montano/">https://balita.net.ph/2022/08/07/dennis-padilla-wish-na-sana-kompleto-ang-pamilya-niya-sa-b-day-gaya-kay-cesar-montano/

Umani rin ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na't hindi pa rin nareresolba ang isyu niya sa mga anak nila ni Marjorie Barretto, sa umano'y madalas niyang pagpaparinig sa kanila sa tuwing may okasyon.

Matatandaang dahil sa isyung ito ay nag-post ang isa sa mga anak niyang si Leon Barretto ng isang open letter para sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/">https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Bagay na sinagot naman ni Dennis sa pamamagitan ng open letter din, na kalaunan ay binura na rin naman niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/">https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/

Sey naman ni Marjorie, darating ang takdang panahong magsasalita at magpapaliwanag siya kung bakit malamig ang pakikitungo ng mga anak sa kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/">https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/