Nailigtas ang 16 na sakay ng isang bangka matapos lumubog sa karagatang sakop ng San Pascual, Masbate nitong Linggo ng madaling araw.

Sinabi ng PCG,papunta sana sa Barangay San Jose sa San Pascual na bahagi ng Burias Island ang bangka na nanggaling sa Camarines Sur nang maganap ang insidente.

Sinalubong umano ng malakas na ulan ang mga ito at sinabayan pa ng malakas na hangin at malalaking alon kaya lumubog ang sinasakyang bangka.

Tatlong oras na nagpalutang-lutang ang mga pasahero ng bangka bago sila nailigtas ng mga mangingisdang dumaan sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dinala muna sa munisipyo ng San Pascual ang mga nailigtas bago ihatid sa kanilang lugar.