Sa ikalawang pagkakataon ay itinanghal na “Best International Artist” si “Unkabogable Star” Vice Ganda ng isang fan-voting application dahilan para bumalandra muli ang kaniyang digital billboard sa Seoul, South Korea.

Ang billboard ay pakulo ng Idolpick app na pinagagana ng fans sa pamamagitan ng online votes.

Paraan din ito upang magkaroon ng exposure ang ilang foreign artists sa isa sa may pinakamaningning na entertainment industry sa mundo.

Derek Ramsay, mamamaalam na nga ba sa showbiz?

Larawan mula Idolpick

Unang naiuwi Ng “It’s Showtime” ang pagkilala sa huling linggo ng Hulyo na sinundan nitong Agosto.

Kahanay lang naman ng Kapamilya star ang ilang Kpop stars kagaya nina Kang Daniel, Lee Char Yeon, at ang idol group na Brave Girls at ENHYPEN.

Matatandaang nauna nang nasungkit ng ilan pang Pinoy artists ang billboard reward ng Idolpick kabilang na ng P-pop powerhouse SB19, at ang “Asia’s Phoenix” na si Morissette Amon.

Basahin: Morisette Amon, bida sa isang digital billboard sa Seoul sa South Korea – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa unang billboard ng host sa Kpop central, nagpaabot ng pasasalamat si Vice sa isang "It's Showtime" episode sa kaniyang “Little Ponies” na nagpaabot ng kanilang boto sa online app.

“Maraming salamat din sa mga "Little Ponies" ko dahil binoto nila ko nanalo ako dun sa Idolpick kaya may billboard ako sa Korea…I love You my little ponies and thank u very much!”

https://twitter.com/MIRAbellabells/status/1553999673358049281