Humihingi na ng donasyong face masks ang mga simbahan sa Batangas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Partikular na nagpapasaklolo ang pamunuan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) para na rin sa kapakanan ng mga residenteng nakalalanghap ng sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan.

Sa news website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Biyernes, binanggit ng LASAC na ang makokolektang N95 face masks ay ipamamahagi nila sa mga residenteng nasa paligid ng bulkan.

“There is still a need for N95 (masks), especially the areas near the Taal Volcano,” panawagan ng grupo.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Hinihikayat ng grupo ang mga magbibigay ng face masks na magtungo na lamang sa headquarters ng LASAC sa St. Francis de Sales Major Seminary compound sa Lipa City.

Sa pag-aaral ng mga eksperto, mayroong high level of protection ang N95 mask na kayang masala ang 95 porsyento ng maliliit na duming kumakalat sa hangin kapag humihinga ang nagsusuot nito.

Nauna nang nag-abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang anim na mahihinang pagyanig ng bulkan bukod pa ang pagbuga nito ng nakalalasong usok sa nakaraang 24 oras.

PNA