Hindi makiki-alamsi Ferdinand Marcos, Jr. sa imbestigasyon kaugnay ng inilabas na kautusan ng Department of Agriculture (DA) para sa pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.
Sa isang panayam sa radyo nitong Sabado, Agosto 13, ipinaliwanag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na "ipauubaya na lamang ni Marcos ang imbestigasyon sa mga nagsasagawa nito upang maging patas ito."
Nauna nang isinapubliko ni Angeles na "illegal" ang inilabas na sugar import order dahil nagpulong ang Sugar Regulatory Board at nagpalabas pa ng resolusyon sa kabila ng kawalan ng go-signal ni Marcos.
Si Marcos ay tumatayong kalihim ng DA at chairman din ng Sugar Regulatory Board.
Matatandaang ibinunyag ni Angeles na kabilang sa pumirma sa kontrobersyal na resolusyon si DA Undersecretary Leocadio Sebastian kahit wala umano itong kapangyarihan na gawin.
Nagbitiw na sa puwesto si Sebastian kaugnay ng usapin.
Gayunman, wala pang inilalabas na impormasyon angMalacañangkung tinanggap na ni Marcos ang resignation ni Sebastian na may petsang Agosto 11.