Wala munang trabahong tatanggapin ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa Setyembre para sa kanilang well-deserved break.

Ito ang ibinahagi ng showbiz power couple sa isang showbiz new ng GMA Network, Biyernes kasunod ng pagtatapos ng pinagbidahang seryeng “Love You Stranger” kasama si Gil Cueva.

“After this show, actually Khalil and I are working on Frontseat Foodies Season 3. We’re really really excited to release that,” pagbabahagi ni Gabbi sa kanilang food vlog channel sa YouTube na susunod nilang pagkakaabalahan ni Khalil.

Kasalukuyang nasa 128,000 na ang subscribers ng channel. Tampok sa pinakahuling content nito ang Thailand supertar na sina Tay Tawan & New Thitipoom o mas kilala bilang TayNew couple.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, ani Gabbi, bago ang pagpapalago pa sa following ng food vlog at paghahanda ng mas maraming content, magpapahinga muna sila ni Khalil sa Amerika para sa isang well-deserved na bakasyon.

“We’re gonna take a break this September. Pahinga, pahinga,” ani Khalil.