May "appreciation post" ang Kapamilya actress na si Julia Montes para sa direktor at bida ng katatapos na "FPJ's Ang Probinsyano", at rumored boyfriend na si Coco Martin, matapos ang finale episode nito kahapon ng Biyernes, Agosto 12.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/">https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/

"Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano…"

"Isa at Ikaw ang napakalaking parte ng success ng buong show," ayon kay Julia, na gumanap naman bilang "Mara".

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Sa dedikasyon, pagmamahal at sipag na ibinigay mo sa show, isang karangalan na mapanood kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…"

"Mula sa pangarap lang noon, ngayon naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang ibinibigay at pinapakita mo…"

"Proud na proud ako sayo!"

"Congratulations aming Cardo Dalisay" saad pa ni Julia.

Kinilig naman ang mga tagahanga ng tambalang "CocoJuls" lalo't bumulaga sa ending ng show si Mara, na tinaguriang "Ang Huling Pag-ibig" ni Cardo Dalisay.