Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang₱8.6 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa sunud-sunod na operasyon sa Zamboanga City kamakailan.

Sa ulat ng BOC, ang serye ng operasyon ay isinagawa sa lungsod mula Hulyo 25 hanggang Agosto 11.

Kabilang sa nasamsam sa limang magkakahiwalay na operasyon ang 276 na kahon ng sigarilyo, bukod pa ang 327 na ream nito, ayon sa BOC.

Nakumpiska rin ang mga sasakyang-pandagat, at behikulong ginamit sa pagpupuslit ng sigarilyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa ng BOC na iniimbestigahan pa ang kaso upang matukoy at makasuhan ang mga responsable sa pagpupuslit ng mga sigarilyo sa lungsod at sa mga kalapit-lugar.