Nasa 4,679 pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala sa Pilipinas nitong Sabado.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na ng 3,827,758 kabuuang kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 13.

Ito na rin ang ikatlong sunod na araw na naitala ang mahigit sa 4,500 bagong kaso ng virus, ayon sa DOH.

Lumobo naman sa 40,324 ang kabuuang aktibong kaso ng Covid-19 batay sa datos ng ahensya.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

Nakitaan pa rin ng DOH ng mataas na kaso ng sakit ang Metro Manila (15,843), Calabarzon o Region 4A (10,052), Central Luzon na mayroong 5,212 na kaso, Western Visayas na mayroong 2,873 na kaso at 2,236 na kaso naman sa Cagayan Valley.

Tumaas naman sa 3,726,442 ang nakarekober sa sakit matapos madagdagan ng 4,617 nitong Sabado.