Puntirya ngayon ng gobyerno na maipamahagi ang mahigit sa 50 milyong National identification (ID) card bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Sabado na minamadali na nila ang paggawa ng Philippine Identification System (PhilSys) cards (National ID cards) upang mai-deliver kaagad sa mga nag-apply nito.

“Starting October, magra-ramp up kami together with BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) ng card production from around 80,000 [a day], tina-target namin starting October ma-increase siya sa 133,000 [a day],” paniniyak ni PSA deputy National Statistician Fred Sollesta nang kapanayamin sa telebisyon.

Maglulunsad din aniya sila ng printable at digital version ng National IDs upang maabot ang puntiryang 50 milyong ID na nakatakdang ipamahagi sa huling bahagi ng taon.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Aniya, tampok sa printable at digital version ng tinukoy na ID ang walang katulad na QR code na maaring i-scan para sa authentication.

Ang printable at digital versions nito ay ibibigay muna sa mga hindi pa nakatatanggap ng physical card na maaaring gamiting proof of identification.

Sa datos ng PSA, umabot na sa 71 milyong ang nakarehistro sa PhilSys at nakapag-imprenta na ng 17 milyong card, gayunman, 15 milyon pa lang nito ang naipamahagi.