Umabot na sa 1.1 milyong turista ang bumisita sa bansa ngayong 2022, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa pahayag ng DOT na ang naturang bilang ay naitala mula Pebrero hanggang Agosto 7, mataas kumpara 163,879 na turista na pumasok sa bansa sa kaparehong panahon noong 2021.

Nangako rin ang ahensya na palalawakinpa ang tinatawag na "overall experience" para sa mga biyahero sa pamamagitan ng pagsusulong ng "digitalization" kasabay na rin ng pagkikipagtukungan sa mga ahensyang may kaugnayan sa usapin upang maiangat pa ang imprastrakturang panturismo.

Ayon sa DOT, nasa 12.7 porsyento ang ambag ng turismo sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Gayunman, bumagsak ito sa 5.1 porsyento noong 2020 at 5.2 porsyento noong 2021 dahil na rin sa pandemya.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Sa isinagawang tourism summit nitong Huwebes sa Cebu, kumpiyansa si DOT Secretary Christina Frasco na makababawisa pagkalugi ang nabanggit na sektor sa susunod na tatlong taon.

PNA