Hiniling ng mga grupo ng transportasyon sa gobyerno na magbukas ng mas marami pang ruta kasunod ng nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto 22.

Tugon ito ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa hakbang ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas ng mahigit sa 100 dating ruta ng mga public utility jeep at iba pang pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Iginiit ni ACTO national president Liberty de Luna, nararamdaman na nila ang epekto ng nabanggit na desisyon ng LTFRB.

“Kaya sana nga po, nanawagan po ako sa ating bagong LTFRB Chairwoman (Cheloy) Garafil na sana po mabuksan na po lahat, mailabas na po 'yung lahat ng QR codes ng ating mga sasakyan,” pagdidiin ni De Luna sa isang panayam.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“Talagang hindi pa ho kami nakababangon sa gutom, sa hirap, na naransan natin sa Covid-19,” sabi pa nito.

Kamakailan, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na sapat na ang mga pampublikong sasakyan para sa mga estudyante sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa Nobyembre.