Ipakakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 581 na tauhan sa mga pampublikong eskuwelahan sa Metro Manila sa pagbabalik-eskwela sa Agosto 22.

Ito ang tiniyak ni MMDA-Task Force Special Operations head, Bong Nebrija sa isang television interview nitong Biyernes.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga local government para sa pagpapatuloy para sa nasabing usapin.

“We will be manning schools, 581 po ang itatalaga namin doon mismo sa eskwelahan, 146 public schools in Metro Manila, nakatalaga po 'yan doon,” banggit nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Aside from that, we will be manning the intersections, pedestrian lanes," sabi ni Nebrija.

Magsasagawa rin aniya ang MMDA ng misting, fogging at clearing sa paligid ng mga paaralan bilang bahagi ng paghahanda.

Nauna nang inihayag ng MMDA na magpapatupad ang ahensya ng bagong number coding scheme sa Metro Manila dahil na rin sa pagbabalik ng face-to-face classes.