Matatandaang nag-ugat ang chika ng hiwalayan umano ng celebrity couple kasunod ng pagtanggal ni Kapuso actress Heart Evangelista ng apelyido ng asawang si Sen. Chiz Escudero sa kaniyang Instagram bio.

Para kay Manay Lolit Solis, walang katotohanan ang mga kumakalat na intrigang quits na ang kilalang power couple.

Dagdag ng talent manager, “very honest” umano si Heart kapag tinatanong ito at “hindi siya iyong tipo na maarte.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: ‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang dinedma lang ng Kapuso actress at fashion socialite ang kamakailang intriga ng mapagmatyag na netizens.

Gayunapaman, hiling ni Manay Lolit sa aktres, “We wish Heart Evangelista happiness, at kung may problema man maayos agad.”