Nasamsam ng gobyerno ang aabot sa₱36 milyong halaga ng puslit na sibuyas sa Misamis Oriental nitong Huwebes sa gitna ng kakapusan ng suplay nito sa bansa.
Sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes, ang puslit na agricultural products ay naharang saMindanao International Container Terminal Port sa Tagoloan, nitong Agosto 11.
Ang kargamentong puti at pulang sibuyas na sakay ng 12 na container van na galing ng China ay nakapasok sa bansa matapos ideklara bilang "Spring Roll Patti" at Plain Churros."
Naka-consignumano ito sa Frankie Trading Enterprises at Primex Export and Import Producer.
Nauna nang iniutos ni District Port Collector Elvira Cruz na harangin ang kargamento matapos makatanggap ng impormasyon na posibleng isang kaso ito ng technical smuggling.
Iniimbestigahan pa ngBOC ang kaso upang matukoy ang mga nasa likod ng pagpupuslit at masampahan ng ng paglabag saRepublic Act (RA) 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act).