Simula nang maging viral sa social media ay nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng mga oportunidad sa naispatang "Jericho Rosales" mula sa Monkayo, isa sa mga munisipalidad sa Davao De Oro.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/jericho-rosales-namataang-palakad-lakad-sa-isang-amusement-park-sa-davao/">https://balita.net.ph/2022/08/03/jericho-rosales-namataang-palakad-lakad-sa-isang-amusement-park-sa-davao/

Ibinahagi ng "Bryan Jay Photography" ang ilang kuhang litrato ni "Junrey Baug" para sa photoshoot ng product endorsement nito. Noong una raw ay nagulat sila nang makita ito, at sabihin sa kanila ng kliyente na kamukha ni Echo ang kukuhanan nila ng litrato.

"Photoshoot with Jericho ng Monkayo!"

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

"God has always full of surprises!!"

"We did not have any idea for Yesterday's shoot. We were just told by the company that we will be doing a product endorsement shoot."

"On the location site we were surprised when the owner of the company told us that their product model endorser is actor Jericho Rosales look alike who is trending in social media," ayon sa caption nila.

Matatandaang pagkatapos mag-viral ay nagsagawa ng panayam at make-over ang nasa likod ng b/vlog na "Pitik ni DenDen" kay Junrey.

Tingnan: https://www.facebook.com/balitaphl/posts/pfbid02zn7ADgd3KW7rF7HB28PdGXVQMVSULuiGiNZxqFD9cAccCpp522nas51o2t8seNAfl

Lutang na lutang umano ang pagka-Jericho Rosales nito, reaksiyon naman ng mga netizen.